1. Home
  2. Lipunan
  3. Pag-iwas at Kaligtasan

Mga bangko sa Canada dapat umaksyon para huminto ang abuserong e-transfers

Ex-Australian banking exec sinabing dapat tiyakin na ang bank services ay hindi ma-weaponize ng mga abusero

Mga babae nakaupo sa mesa habang ang isa ay nakatingin sa kanyang phone.

Si Emma Parsons at ang kanyang ina na si Carmen.

Litrato: (Marc Robichaud/CBC)

RCI

BABALA: Ang istoryang ito ay may mga detalye ng pang-aabuso na puwedeng makaapekto sa nakaranas ng intimate partner violence o may kakilala na nakaranas nito

Binlock ni Emma Parsons ang kanyang ex-boyfriend sa kanyang telepono at lahat ng social media apps pagkatapos siyang padalhan ng mga unwanted text.

Gumamit pa ang lalaki ng spoofed phone numbers para basagin ang pader na sinubukan niyang itayo para sa kanyang sarili. Noon siya nagsimulang makatanggap ng e-transfers mula sa kanya na may mga naka-attach na bastos na mensahe.

Ang una ay $1, at pagkatapos sa tingin ko 'yung iba less than $5, aniya.

Sobra akong nagulat. Sobra akong nasorpresa na nagpadala siya ng e-transfer.

Sinabi ni Parsons na nahiya siya at hindi komportableng i-report ang naturang e-transfers sa bangko o pulis.

Ngunit nang siya at ang kanyang ina na si Carmern ay nakarinig ng istorya ng isang babae sa Sault Ste, Marie, Ont., na nakatatanggap din ng sandamakmak na mapang-abuso at mapagbantang e-transfers bago siya pinatay ng kanyang ex noong Oktubre, nagdesisyon sila na magsalita.

Kailangan malaman ng mga tao na nangyayari ito at baka may mga bagay na puwede tayong gawin tungkol dito, ani Carmen.

Ang mga survivor ng intimate partner violence sinasabi na ang mga bangko sa Canada ay kailangan mag-step up upang mas marami pa ang gawin para protektahan ang mga biktima mula sa pang-aabuso sa pamamagitan ng kanilang mga platform, katulad ng ginagawa ng ibang bansa.

Ang mga bangko sa Australia, halimbawa, ay nagpatupad ng ilang hakbang upang wakasan ang maling paggamit ng banking platforms ng mga abusero, kasama ang pagpapakilala sa AI software na bina-block ang mga mensahe na naglalaman ng mapang-abusong lengguwahe at in-app self-reporting tools para masumbong ng mga survivor ang mapang-abusong mga mensahe sa mga bangko sa oras na matanggap ito.

Sinabi naman ng Canadian Bankers Association ang kanilang mga miyembro ay may mga polisiya na ipinapatupad upang protektahan ang mga kostumer at palagi raw silang naghahanap ng mga paraan upang labanan ang pang-aabuso, ngunit hindi nagbigay ng maraming detalye.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita